Akoy Sayo Ama

15 days agoAria v1
Salamat Ama akoy iyong inaring ganap, sa banal na bautismo akoy iyong nilinis. Hiling sa Araw Araw ako ay makapanatili kung paano mo ako tinawag. laging iinisip lahat ng bagay na Sayo ay magpapagalak, handog ko aking pusot isip pati kaluluwa makamit lng Ang iyong awa. Salamat sa iyo oh Dios Amang dakila, akoy iyong abang lingkod nais makasunod sayong mga salita. Akoy Sayo oh Ama, abang alipin mo awa at tulong Ang ninanasa , Salamat sa pagmamahal sa Araw Araw na twina, akoy magpapatuloy Hanggang sa pagpahinga.